Saturday, July 2, 2011

What is humility?

What is humility?

According to the homily of Fr. Lito last July 2, 2011 (Saturday – Feast of the Immaculate Heart of Mary), being humble means being honest, understanding and meek, aways willing to learn, giving your best and brings enlightenment to people. (Gusto ko to’ng matandaan habang buhay)

Hindi ako nagkamali nung nagdecide akong mag serve nung araw na to’...

Sa totoo lang matagal ko ding pinagisipan kung pupunta ba ako or hindi sa 6pm mass para mag serve hanggang sa sabi ko “why not?”...

Muntik nang hindi matuloy yung pag punta ko nun kasi eto nanaman ako, nasa office nag ttrabaho.

Pero gaya nga ng bulong ng konsensya ko: be true to your word, Jam.

Kaya pumunta ako.

Siguro kailangan ko nga din ng pahinga... break sa mabilis na ikot ng mundo at takbo ng oras kapag nasa opisina ako... minsan sa bilis pala ng oras at ikot ng mundo, nakakalimutan mo yung mga bagay na importante pala sayo... tulad ng sarili, pamilya, mga kaibigan, mga joke na corny... at ang Diyos.

Aminado akong kinakain ako ng buhay ng trabaho. Hindi ko alam kung marami talaga o nawawalan na lang ako ng gana... siguro both.

Kaya naman nung nag attend ako ng mass, parang natauhan ako. Dati pakiramdam ko passionate ako and humble, pero habang nakikinig ako ng homily ni Fr. Lito, si Phoebe yung unang tao na pumasok sa isip ko as humble and passionate.

Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko kasi alam kong hindi ko na masabi sa sarili kong isa rin akong ehemplo ng pagiging mapagkumbaba... maraming bagay na ata yung ipinagbago ko, pakiramdam ko malapit na kong mahulog sa bangin (ng kawalan), konti nalang at hindi ko na kayang kumapit pa...

Naisip ko, lumalayo na ko sa Diyos... ayoko pero bakit pakiramdam ko nahihirapan ako. Bakit parang korny, irrelevant, waste of time... nawawala na yung sense niya sa buhay ko... bakit ganun?

Masyado na ata akong naging mapagmataas... pakiramdam ko kaya ko na lahat. Pero hindi. Napapagod ako... madalas. Sa panandalian kong paglayo sa Diyos, sa panandaliang oras na naisip kong hindi ko Siya kailangan... Bigla akong nahiya sa sarili ko, dahil ba nahihirapan ako kaya lumalapit ako uli?

Oh baka naman pinapaalala niya lang na:
 “Jam, hindi ka naman mag-isa, lumapit ka lang, wag kang mahiya... andito lang ako”

Mas lalo tuloy akong nahiya, pero sa loob loob ko:
“Please Lord... KSP lang talaga ako, konting suyo pa...”

Parang bata... kahit alam kong buong buhay ko sinusuyo niya ako, ngayon, gusto ko padin na suyuin pa niya ako ulit… haha! Selfish ba? Baka sadyang KSP lang (kulang sa pagmamahal).


No comments:

Post a Comment