Bigla akong natawa
habang binabasa ko ang mga txt messages na nakastore sa cellphone ko at
napailing.
"Bakit ganun,
hindi naman kami nagkikita pero masaya parin ako." Sabi ko kay Pia.
"Edi okay
yun, healthy kaya yun, yung may longing" Sabi niya.
"Oh?"
Sabay tawa ko, bigla kong naalala yung kwento sakin nung taxi driver noong
isang araw:
Dahil malapit na
akong ma-late sa trabaho minabuti ko nang pumara ng taxi para naman mapabilis
kahit kaunti yung biyahe ko papunta ng MRT station. Ayoko sanang sumakay sa
lumang taxi pero no choice, nagmamadali na ako at isang lumang taxi lang ang
dumaan sa harapan ko na walang pasahero.
Sabay ng pagpasok
ko ng taxi ang tanong na, "Kuya, may sukli sa 100?"
"Naku wala,
magpapalit nalang tayo sa daan"
"Ok."
Malipas ang ilang
minuto sabi ni Kuya sakin, "Alam mo broken hearted ako"
"Bakit naman
po?" Tanong ko.
"Kasi
pakiramdam ko ayaw na sakin nung nililigawan ko"
"Ahh... pano
ninyo naman nasabi yan? Matagal na ba?"
"Lahat naman
ng luho niya binibigay ko, pang gimik niya, shopping, o pag wala siyang load
isang txt lang, magpapasa na agad ako, 100, 300... tapos rereplyan ako ng mga 5
beses hindi na magpaparamdam ulit... yung pag may kailangan lang siya kaya niya
ko tinitxt o tinatawagan... Hindi naman siya ganyan dati..."
"Bakit hindi
ninyo itigil kung ganun yung nanyayari? Baka naman ayaw nga sa inyo?"
"Mahal ko
ehh."
"Kahit ganun?
Kawawa ka kaya."
"Alam mo wala
namang matino pagdating sa pagmamahal... Kapag matino ka, o kaya 'ok lang sayo'
kung maghiwalay kayo, kahit na mag-away kayo ayos lang... hindi yun pagmamahal,
'fling' lang yun. Kasi kung gusto mo talaga yung tao kahit na labag sayo, may
mga bagay na gagawin at gagawin mo talaga para sa kanya"
"Ohhh... Kung
sa bagay... siguro nga" Napangiti ako at tumingin sa may bintana.
:)
No comments:
Post a Comment