Tuesday, October 18, 2011

mga sentimyento habang nakikinig ng 'marry me' sa pc.

October 18, 2011

Dear Diary,

Nasa office ako ngayon at habang nag ttrabaho ako ng taimtim, biglang pumasok sa isip ko kung anong klaseng kapatid ba ako at kung anong klaseng kapatid ba ako dapat. 

see...ang laki ng pagkakaiba niyan diba?

Naisip ko... kung nakikita ako ng mga kapatid ko, siguro dapat ay umayos ako ng kilos tulad ng kung paano tayo kumikilos sa harapan ng mga taong gusto natin...magpa-impress. AHEM. Example: crush, boss, mga akala nating admirers, at yung mga taong may gusto tayong patunayan.

Napansin ko kasing oo nga, ginagaya ng kapatid ko yung mga kilos ko (unconsciously) kahit na minsan alam nilang mali ito. You always want the best for the ones you love. Kaya naman pag nakikita mong napupunta sila sa mali, may guilt feeling ka din... (applicable to para sa mga taong may malasakit sa kapwa kapatid).


Nasa tabi ko kasi sina Sir Denz tsaka yung kapatid niya, knowing Sir Denz, ingat na ingat siya sa pangalan niya... Madali lang naman i-justify kung bakit. Dahil pangalan lang ang meron tayo dito sa mundo, yung pangalan mo ang magdedefine kung sino ka kung anong klaseng tao ka. Isang factor na din siguro dahil kasama niya sa trabaho yung kapatid niya, isang pagkakamali niya, boom. Apektado din si kapatid.

Alam niya yun, at siguro oras na din para i-absorb ko ito at isabuhay.

No comments:

Post a Comment