Saturday, March 31, 2012

@ Parklane

Dated March 10, 2012

Isa sa hindi ko makakalimutang araw ay nung sinamahan ko si mama sa Cebu. Overnight lang kami dun pero naging isa yun sa mga araw na tumatak sa buhay ko. Unang beses ko din kasing samahan si mama sa isang work related activity niya sa office - half day retreat. Libre niya yung pamasahe kaya go na din ako, oras na rin siguro namin na magkasama - nuon ko lang napagtanto na sa pag lipas ng mga araw lumalapit na rin yung panahon na kailangan ko na ding bumukod o iwanan sila dahil tumatanda na ko... isa pa gusto ko din magkaron ng sarili kong pamilya balang araw, kaya sasamantalahin ko na habang bata pa ko.

Habang nag tatrabaho at natutulog si mama, nag ikut-ikot lang ako dun sa "The Terraces", yung Ayala mall dun.   Maganda yung lugar, park themed yung mall, at madaming pwedeng ikutan yun nga lang, hindi ko naman makuhanan ng litrato yung sarili ko kasama yung background kasi hindi sapat yung haba ng kamay ko para makuhanan yung scene sa likod. Mukha ko lang yung nakikita... Tahimik at panatag akong mag-isa pero naisip ko, mas magiging masaya siguro ako kung may kasama akong maglalakad at kakwentuhan, mahirap kasing kwentuhan mo ang sarili mo o kaya sa isip mo ikaw nakikipag debate.  Isa pa, at least may kasama kang nakangiti sa mga litrato.

Papatapos na yung retreat nung pumasok ako sa kwarto kung saan ginaganap yung silent reflection. Sumama na rin ako... May pinakitang video yung facilitator, yung love story ni Rick and Dick Hoyt (link below). Pero isa sa mga nagustuhan ko sa lahat ay yung pinakita niyang quote galing kay Fr. Pedro Arrupe, SJ:
“Nothing is more practical than finding God, that is, than falling in a love in a quite absolute, final way. What you are in love with, what seizes your imagination will affect everything. It will decide what will get you out of bed in the mornings, what you will do with your evenings, how you spend your weekends, what you read, who you know, what breaks your heart, and what amazes you with joy and gratitude. Fall in love, stay in love, and it will decide everything.”
Totoo... Kung sino at ano ang pinili mong mahalin ang siyang magpapakilos sayo. Try? Subukan mong makipagmeet sa taong mahal mo ng umagang umaga, at hindi ka mahihirapang gumising. 

Nagswimming din naman ako, at muli, naramdaman kong mas masayang lumangoy ng may kakulitan o kaya kausap. Mabilis lang din ako nagbabad sa malamig na pool, na kung iisipin, gusto kong nagbababad sa tubig. Siguro hindi ko rin mapapansing giniginaw ako kung may kasama ako nun.

Madami akong nakain nung dinner. Kasama ko sina mama tsaka yung mga officemates niya pero naalala ko maluha-luha ako nung mga panahon na yun, hindi ko na rin alam kung anong rason pero alam ko kung sino ang dahilan. Siguro kaya napadami yung kain ko nun, para pag nahalatang naluluha na ko, maidadahilan kong 'busog na po kasi ako'.

Bumalik na kami sa hotel at ayokong magstay sa room - walang wi-fi dun :)) kaya pumunta nalang akong poolside... Akalain mo, merong live band tsaka konti lang yung tao kaya bakante yung swing with dim lights pa. Sa totoo lang, gusto ko talagang kasama siya nun... hindi naman pwede, gusto ko siyang kausapin nun, mukang busy naman, gusto ko siyang ka-tx nun, hindi naman nag rereply, aba ang hirap naman parang one-sided yun, ako lang yung nasa kundisyon makipag-usap, nakakalungkot... Nakakalungkot yung araw na yun...

Marahil soul searching nga ang ginawa ko dun... pero hindi ko sigurado kung nahanap ko nga. Isa lang ang narealize ko, ayokong ipinaparamdam sakin na mag-isa ako.

Team Hoyt: http://www.youtube.com/watch?v=64A_AJjj8M4

Tuesday, March 27, 2012

Straight ahead


everything is a firsthand experience. you don't do things exactly the same way as how you did it before. and that is what makes life so special.

but everything you experience is not totally different from yesterday.

you wake up (same as yesterday, today, tomorrow), you sleep (same as yesterday, today, tomorrow) at least that is what's expected of you and inevitably what you will eventually do. (redundant ba??)

people are supposed to go forward and not the other way around. they are supposed to look ahead and not far behind. everybody knows nothing/no one runs backwards. the one who does is virtually trapped in its/his/her own sick world. yet. yesterday is needed as a reference used today for the future. everybody knows that. its the reason why we study history. to learn from the past and whatever blahs. to know why/how you came to be.

moving forward means improvement right? that's how it should be. but should be's sometimes result to would have's. that is why there is regret. sadly, regret is something that is constantly accumulated... oh so negatively stated.

minsan may mga bagay talaga na hindi mo na maibabalik. kaya nga kailangan mong gumising bukas diba? para subukan ayusin yung kaya mo pang ayusin, bitawan ang nagpupmiglas nang makawala, tapusin ang matagal nang naiwang walang tuldok,iwanan ang mga bagay na sayo ay nagpapabigat, syempre simulan ang mga bagay na dati mo nang ginagawa ngunit sa isang mas mataas na antas. hindi naman hinihiling na magmadali ka, mag jogging, tumakbo...kailangan mo lang gustuhin, ihanda, panindigan, ang mga bagay na nais mong umpisahan.

tandaan mo lang na nagsimula na ang ngayon nang nagpasya kang pumikit kahapon.

Ondoy 2009

Old post way back September 30, 2009 (from multiply account)


ahem mic check, mic check ahem


maraming bagay sa mundo ang pwedeng magkamali ka. 
tulad ng pagsabing kaya mo na. 
pero hindi pa.
sa pagsabing suko na
pero laban pa pala. 


Ang buhay minsan para lang yang pag sugod sa baha. 
sa ulan. 
sa putikan at dumi.
you have to take risks! pare. 
kelangan mong sumugal.
ano susugod ba ko?
OR
mag sstay ba ko sa safe na lugar?
ang goal: comfort and convenience, hindi ba?


handa ka bang sumugod sa maduming tubig.
mabasa sa ulang malakas.
madulas.
mahulog.
at tiisin ang hiya mo para makauwi?
laban lang! ma-delay ka man sa pag uwi,
at the end of the day, makakauwi ka din ü 


May times na nakakagalit, nakakainis, nakakaiyak, nakakapagod.
tama naman lahat yun.
pero si Lord, sa gitna ng galit, inis, pagod at pagsubok,
hindi niya tayo hahayaang mag isa at malugmok 
ayun oh!
may binibigay siyang saya at pag-asa ü
mga bagay at taong "guardian angel" ba
sinasabing 
"hui! you're so not alone, duh" 
pero syempre dapat tignan mo
tumingin ka at imulat mo ang mga mata mo
kasi pano mo naman makikita kung magbubulag bulagan ka diba?!


ang bottomline? eto ba?
--------------------------------------------------------------------
(wahaha! pagbigyan pleaase ü)


haha sempre life is hard, sa iba pa nga harder ehh... pero kelangan mong mabuhay, so go! haha seize the day. take risks. laban lang. san ba, sa acads? (yeah, kakayanin!) sa pag-ibig? (utang na loob!!! hahaha) sa pamilya? (ü) sa friends? (üü thank you) andyan si Lord ü 


KAYA MO YAN ü

Friday, March 23, 2012

para sa mga taong sumuko

Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila.

Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.

May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na.

Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa...

Para sa mga taong sumuko...sa pag-ibig na akala nilang mali - kahit na ito na ang pinaka tamang nanyari sa buhay nila

Thursday, March 22, 2012

To the one and only Kuya in my life.

(na deserve na deserve na magkaron ng self-centered and personalized blog entry)

Thank you for making me happy lately... I cannot think of any reason why I feel at peace with myself but only You.

Alam ninyo na madami akong iniisip, kailangan asikasuhin, kailangan ayusin at intindihin... pero pakiramdam ko kayang kaya ko yun lahat. Minsan nga lang napapasugod parin ako sa CR at nagkukulong sa cubicle pag nakakaramdam na ko ng pressure - yung takas mode ko, pero go on life padin at sa pag harap ko sa mga kailangang harapin, narerealize ko na hindi naman pala mahirap kasi may mga taong andyan para tumulong sayo. Salamat po sa kanila :)

Totoo na kapag malapit ka sa Almighty parang ang saya mo, at kahit na bad mood ka, masaya parin XD haha! Pero salamat talaga, sa lahat ng mga maliliit na bagay na nagpapaalala sakin na mahal ninyo ako. Tulad ng napulot kong 5 piso sa kalsada this week pagbaba ko ng tricycle, o kaya yung tipong konti lang yung tao sa MRT bigla pag malapit na kong ma-late (bonus na po yun!), at madami pang iba.

Sabi nila nagiging corny daw and isang tao pag nag mamahal, totoo naman. :) Naisip ko nga ehh, sus feel ko may mangilan ngilang sasabihin ang corny ko, haha. Wa-pakels, mind their own lives, parang sinabi mong corny na ipakitang mahal ko si bapbap. O kaya corny na mag date kami at mag holding hands ni mama or ni daddy diba?

Lord, masarap kayang magmahal, and thank you for loving me, help me to love others as a way show you how much i love you too :)


Sincerely,

Jamie

Nakanams Jam :)

Wednesday, March 14, 2012

Kung sakali

Kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataon
Na sayo'y ipaalam ang nadarama
Piliin kong ngayon na, pwede ba?
Hindi dahil sa baka wala na akong bukas
Kundi dahil, aanhin mo ang bukas, kung meron namang ngayon.

Tuesday, March 13, 2012

The Art of Ignoring

"Often times what we demand from others are things that are also demanded from us."

Sunday, March 4, 2012