Isa sa hindi ko makakalimutang araw ay nung sinamahan ko si mama sa Cebu. Overnight lang kami dun pero naging isa yun sa mga araw na tumatak sa buhay ko. Unang beses ko din kasing samahan si mama sa isang work related activity niya sa office - half day retreat. Libre niya yung pamasahe kaya go na din ako, oras na rin siguro namin na magkasama - nuon ko lang napagtanto na sa pag lipas ng mga araw lumalapit na rin yung panahon na kailangan ko na ding bumukod o iwanan sila dahil tumatanda na ko... isa pa gusto ko din magkaron ng sarili kong pamilya balang araw, kaya sasamantalahin ko na habang bata pa ko.
Habang nag tatrabaho at natutulog si mama, nag ikut-ikot lang ako dun sa "The Terraces", yung Ayala mall dun. Maganda yung lugar, park themed yung mall, at madaming pwedeng ikutan yun nga lang, hindi ko naman makuhanan ng litrato yung sarili ko kasama yung background kasi hindi sapat yung haba ng kamay ko para makuhanan yung scene sa likod. Mukha ko lang yung nakikita... Tahimik at panatag akong mag-isa pero naisip ko, mas magiging masaya siguro ako kung may kasama akong maglalakad at kakwentuhan, mahirap kasing kwentuhan mo ang sarili mo o kaya sa isip mo ikaw nakikipag debate. Isa pa, at least may kasama kang nakangiti sa mga litrato.
Papatapos na yung retreat nung pumasok ako sa kwarto kung saan ginaganap yung silent reflection. Sumama na rin ako... May pinakitang video yung facilitator, yung love story ni Rick and Dick Hoyt (link below). Pero isa sa mga nagustuhan ko sa lahat ay yung pinakita niyang quote galing kay Fr. Pedro Arrupe, SJ:
“Nothing is more practical than finding God, that is, than falling in a love in a quite absolute, final way. What you are in love with, what seizes your imagination will affect everything. It will decide what will get you out of bed in the mornings, what you will do with your evenings, how you spend your weekends, what you read, who you know, what breaks your heart, and what amazes you with joy and gratitude. Fall in love, stay in love, and it will decide everything.”Totoo... Kung sino at ano ang pinili mong mahalin ang siyang magpapakilos sayo. Try? Subukan mong makipagmeet sa taong mahal mo ng umagang umaga, at hindi ka mahihirapang gumising.
Nagswimming din naman ako, at muli, naramdaman kong mas masayang lumangoy ng may kakulitan o kaya kausap. Mabilis lang din ako nagbabad sa malamig na pool, na kung iisipin, gusto kong nagbababad sa tubig. Siguro hindi ko rin mapapansing giniginaw ako kung may kasama ako nun.
Madami akong nakain nung dinner. Kasama ko sina mama tsaka yung mga officemates niya pero naalala ko maluha-luha ako nung mga panahon na yun, hindi ko na rin alam kung anong rason pero alam ko kung sino ang dahilan. Siguro kaya napadami yung kain ko nun, para pag nahalatang naluluha na ko, maidadahilan kong 'busog na po kasi ako'.
Bumalik na kami sa hotel at ayokong magstay sa room - walang wi-fi dun :)) kaya pumunta nalang akong poolside... Akalain mo, merong live band tsaka konti lang yung tao kaya bakante yung swing with dim lights pa. Sa totoo lang, gusto ko talagang kasama siya nun... hindi naman pwede, gusto ko siyang kausapin nun, mukang busy naman, gusto ko siyang ka-tx nun, hindi naman nag rereply, aba ang hirap naman parang one-sided yun, ako lang yung nasa kundisyon makipag-usap, nakakalungkot... Nakakalungkot yung araw na yun...
Marahil soul searching nga ang ginawa ko dun... pero hindi ko sigurado kung nahanap ko nga. Isa lang ang narealize ko, ayokong ipinaparamdam sakin na mag-isa ako.
Team Hoyt: http://www.youtube.com/watch?v=64A_AJjj8M4
Marahil soul searching nga ang ginawa ko dun... pero hindi ko sigurado kung nahanap ko nga. Isa lang ang narealize ko, ayokong ipinaparamdam sakin na mag-isa ako.
Team Hoyt: http://www.youtube.com/watch?v=64A_AJjj8M4
No comments:
Post a Comment