Monday, November 5, 2012

My Fairybelle Trip to the Stars

Jesus Christ, oh, Jesus Christ
Why is it that your name sounds sweet on my lips tonight?
Like a child in desperate need of help
Or a lady to be freed from frustration felt

The lonely lighted streets of the past
The lonely hollow promises of the days to last
The steady glow of flickering lights
Once lovely, oh! and full of life

Hoping not that glow from candle blow
Hoping not that the inevitable might finally show

Saturday, September 1, 2012

At the mall

Andito ako ngayon sa Triangle North of Manila (TriNoma) sa mga sumusunod na kadahilanan:

1. Bumili ng slippers
2. Ipadala ang pasalubong at slippers via LBC

Yun at yun lang ang dahilan kung bakit ako andito ngayon. Nagawa ko naman yung una, pero dahil sa sobrang tagal ng service ng LBC Trinoma, pinili kong bukas nalang ito ipadala sa Valencia City. 

Ako ay nadayo sa tech section ng TriNoma at naisipang mag internet dahil walang internet connection sa bahay. Maayos naman sana ang aking pagiinternet bukod lang sa isang lalaking kaharap ko... may itsura naman siya at naglalaro pa nga ng games PERO nung nagsimula na siyang magsalita... ahem - chiksilog pala. 

Hahaha. Gusto kong gumala tonight and naiisip ko yung line sa The Girl Next Door na

"What's the craziest thing you've done lately"


Saturday, August 18, 2012

Coffee high

Staying late at the office to finish something? Well, that one I can handle, what I can't take is working overtime with a migraine. 

I read on a magazine that coffee and paracetamol can effectively reduce the pain brought by migraine. I tried that one just a while ago (since it's irritating to work while one side of your head is throbbing, yeah?) But the down side of it was, my hands started to tremble a bit and it's a bit hard to calm down... The throbbing in my head subsided but I was alert as ever - the side effect of caffeine at night. :)) 

oh well.

Thursday, August 16, 2012

On not letting it get to you

I came across a former officemate on my way home. I almost didn't recognize her because she was becoming a bit big than the last time I saw her (preggy!). The usual "how are you's" were exchanged, and for a moment I felt at home seeing a familiar face - and I do not feel alienated at all. Maybe this is what Ms. Liz was telling me - the power of being nice.

On our way home (me to philcoa), she told me a couple of things after I left the office... And somehow knowing that people actually understood what happened to me, makes me genuinely happy inside. No need to question anything, no need for me to fan the fire or ignite the spark.

Sometimes it takes a lot of letting go (of the bad feelings) to be able to move on, and be humble. Sometimes it takes a lot of respect not to badmouth (intentionally / unintentionally) for you to maintain ties.
Sometimes it takes a lot of patience to clear your thoughts and not to snap and be defensive.

It takes one hell of GMRC. Indeed we owe our parents a lot (and our kinder teachers too!)

It was not a walk in the park; what we go through, that one is a fact. We can only speak for ourselves. When you look back on your struggles, you will realize that you never thought you actually survived everything. But definitely, when you are faced with a difficult situation, you will always be reminded of the moments when you fought with all your might and survived, if not, won.

Sunday, August 12, 2012

Jollibee Ice Craze

Honestly, sobrang namimiss ko to'ng kainin... isa to' sa pinaka (as in pinaka) favorite food ko ever... :)

Jollibee's Ice Craze - Mango Caramel
My original happy food :D

Saturday, August 11, 2012

Reminiscing with mixed nostalgic feelings

Dear to you, yes, to whoever you are,

At exactly 9:55PM when I was trying to remember some things of the past, I suddenly felt the urge to open the old memory box. I saw there some love letters and dedications, one poem of two versions, one rose sealed inside a test tube, one black wallet and three small filler notebooks with lots of emotions  written on it...

It felt bittersweet and strong strange indescribable feelings seem to suddenly embrace me. At one point the past felt like a good place to stay especially when you think about the happy things that transpired. But things happen for a reason, at that moment in the past, you were living and you made choices and you cannot take those back... You are who you are because of the things that happened to you. The you who is living here today is a result of what you wanted back then - for the better.

What I have today is awesome and I cannot deny it makes me happy more than anything else. And I thank God for making me as I am.

Sincerely,

The (so called) Emo Girl from the Mountains :)

Sunday, July 8, 2012

Random Post - Namimiss

Control No. jcv-12-001

Namimiss ko yung mga panahon na ang ginagawa ko lang sa internet ay magbasa ng fanfiction at buksan yung multiply para magsulat ng mga blog o kaya ay makipag chat sa YM. Ngayon, sa tuwing magbubukas ako web browser, unang bubuksan ko ay facebook na kung saan makakakita ka ng sandamakmak na mga chismis... hindi ko itatangging may mga panahong nahuhumaling din ako sa pag 'explore' ng facebook pages, kahit na alam ko sa sarili kong isa itong malaking aksaya sa aking gintong oras.

Namimiss ko lang yung mga panahon na malaya mong maipapahayag ang iyong mga saloobin ng hindi masyadong lantad sa publiko (yung tipong kahit hindi mo na kailangang galawin yung settings). 

Namimiss ko din yung feeling na sa tuwing magbubukas ako ng multiply ay malayang dumadaloy ang aking mga saloobin at 'reflections' sa pamamagitan ng mga naisusulat na salita...

Saturday, June 9, 2012

'Reminder'

(an advance post of my farewell message to my beloved Shangmates)


Dear all:

Alam ko hindi naman ako required na gumawa nito, pero pagbigyan niyo na ko. 

First, hindi ito Memo, walang tardiness na nakalagay dito, o kaya ay Interoffice Correspondence ng mga new hires. Wala ding announcement ng Summer Outing o reminder kung kelan isusubmit yung mga DTR. Sulat lang ito ng pasasalamat kasi nakilala ko kayo.

Salamat dahil marami din akong natutunan mula sa inyo. Nakakilala ako ng iba't ibang klase ng tao; may mga taong makakasundo mo, may mga hindi, may mga strict, may mga masusungit (pero sa una lang naman), may mga mababait at tunay na mabuti, at syempre yung mga makukulit, etc etc. Pero sa lahat ng nabanggit, napansin kong totoo pala na kapag pinakisamahan mo ng mabuti ang isang tao, sino at ano pa man siya, ay magiging mabuti rin ito sayo. Natuto akong ngumiti sa gitna ng problema at (shempre) stress, pati na ang magseryoso sa mga bagay na kailangan seryosohin. Ay! at higit sa lahat natutunan kong pilit na harapin ang mga problema (ahem challenges pala) kahit pa minsan ay nanginginig na ang tuhod ko - pati na ang maging responsable sa mga ito. 

Maraming salamat din sa mga taong lagi ko (at akong) inaasar at naaasar kayo ang nagbigay ng saya sa buhay ko dito. Sa mga taong tinuring akong kaibigan, sa mga taong umintindi sa akin, sa mga taong nagpatibay ng loob ko, sa mga taong nakausap ko ng seryoso tungkol sa life. In short, sa presence and friendship shempre.

"Sa work hindi pwedeng hindi mo gawin yung mga bagay na ayaw mong gawin" Kasi naka package deal na yan sa work na naka.assign sayo (tama? TAMA!). Parang sa love lang yan ehh... you accept the person whatever his/her flaws are. Naks. O sige hanggang dito nalang ang dramang ito.

Salamat ng marami, alam kong mamimiss ko kayo :)

Sincerely,

Jamie Anne Marie C. Vinuya
(+63) 9172451758

"When thought is closed in caves, then love will show its roots in deepest hell."

Friday, June 1, 2012

Wala namang matino.

(Huling hirit isang oras matapos ang Mayo)


Bigla akong natawa habang binabasa ko ang mga txt messages na nakastore sa cellphone ko at napailing. 

"Bakit ganun, hindi naman kami nagkikita pero masaya parin ako." Sabi ko kay Pia. 

"Edi okay yun, healthy kaya yun, yung may longing" Sabi niya.

"Oh?" Sabay tawa ko, bigla kong naalala yung kwento sakin nung taxi driver noong isang araw:

Dahil malapit na akong ma-late sa trabaho minabuti ko nang pumara ng taxi para naman mapabilis kahit kaunti yung biyahe ko papunta ng MRT station. Ayoko sanang sumakay sa lumang taxi pero no choice, nagmamadali na ako at isang lumang taxi lang ang dumaan sa harapan ko na walang pasahero. 


Sabay ng pagpasok ko ng taxi ang tanong na, "Kuya, may sukli sa 100?"


"Naku wala, magpapalit nalang tayo sa daan"


"Ok."


Malipas ang ilang minuto sabi ni Kuya sakin, "Alam mo broken hearted ako"


"Bakit naman po?" Tanong ko.


"Kasi pakiramdam ko ayaw na sakin nung nililigawan ko"


"Ahh... pano ninyo naman nasabi yan? Matagal na ba?"


"Lahat naman ng luho niya binibigay ko, pang gimik niya, shopping, o pag wala siyang load isang txt lang, magpapasa na agad ako, 100, 300... tapos rereplyan ako ng mga 5 beses hindi na magpaparamdam ulit... yung pag may kailangan lang siya kaya niya ko tinitxt o tinatawagan... Hindi naman siya ganyan dati..."


"Bakit hindi ninyo itigil kung ganun yung nanyayari? Baka naman ayaw nga sa inyo?"


"Mahal ko ehh."


"Kahit ganun? Kawawa ka kaya."


"Alam mo wala namang matino pagdating sa pagmamahal... Kapag matino ka, o kaya 'ok lang sayo' kung maghiwalay kayo, kahit na mag-away kayo ayos lang... hindi yun pagmamahal, 'fling' lang yun. Kasi kung gusto mo talaga yung tao kahit na labag sayo, may mga bagay na gagawin at gagawin mo talaga para sa kanya"


"Ohhh... Kung sa bagay... siguro nga" Napangiti ako at tumingin sa may bintana.



:) 


Tuesday, May 15, 2012

realization of the day

Dati para sakin napakabilis ng oras... lalo na pag nag wowork. Ngayon pakiramdam ko ang tagal tagal ng isang buwan. Ganun pala kapag nag-lolook forward ka sa isang bagay.

Sa totoo lang, refreshing. Yung tipong "light at the end of the tunnel". Minsan mas mabuti nga talagang bumitaw kesa lumaban ka ng lumaban to the point na mismong pati kakayanan mo, kinukwestion mo na.

When you are failing (miserably) it does not always mean that you are weak, or incompetent or lazy or stupid. Sometimes it is a sign that you are like a fish being judged by your ability to climb trees.

No more senti moments. :)


Original quote by Albert Einstein:
Everybody is a genius. But if you judge a fish by its ability to climb a tree, it'll spend its whole life believing that it is stupid


Saturday, May 12, 2012

In my dreams

Nagalit ako in my dreams - and sa isang taxi driver pa. If I remember it right. Nag grocery kami ni mama and aya. After the grocery, kelangan na naming umuwi kaya pumara na ako ng taxi. We loaded the compartment area of the taxi with our things, then, nung pasakay na kami, biglang umandar yung taxi - may iba na palang nakasakay.

Sobrang galit na galit ako na nagpatawag pa ko ng pulis para ipa-stop yung taxi. Sumisigaw ako nun sa sobrang galit, haha! 

Tapos sabi ni Mama "Hindi ko alam, capable ka palang magalit"

Yeah. gulat din ako, kahit nung pag gising ko, feel ko pa yung adrenaline rush nung panaginip ko.

Interpretation:
Anger 
To dream that you are holding or expressing anger symbolizes frustrations and disappointments in your Self. You tend to repress your negative emotions or project your anger onto others. You need to look within yourself.
Being angry in your dream may have been carried over from your waking life. Dreams function as a safe outlet where you can express your strong and/or negative emotions. You are suppressing your anger and aggression, instead of consciously acknowledging them.

Sunday, April 22, 2012

Special halo-haHo

(This is a personal message sent by my father to our claret family yahoo group during his 50th birthday - April 22, 2012)


Maraming salamat sa Diyos at sa inyong mga pagbati!!!

Ganito pala pag 50 na ...parang 'SPECIAL HALO-HAHO' ang pakiramdam..HALO-HALO kasi feeling teenager pero malapit na senior citizen, gusto na mag-retiro pero hindi pa puede, dami pa gusto gawin pero bilis oras, kung baga sa boxing-top rank boxer pero golden boy na..SPECIAL naman kasi may mga kapamilya at kapuso tulad ninyo!!...half-a-century..wow..sabi nga ng teens..sobrang thankful, grabeh talaga, hayuun...

God Bless, Love & Cheers!
Cesar

(Gusto ko sanang i-post sa FB kasi ang cute nung message pero pinigilan ko sarili ko kasi private person si daddy ehh... and besides, it's personal property - dito nalang at least konti lang nag vview hahaha! oh well i love you daddy golden boy pala ha)

Wednesday, April 4, 2012

in the midst of encoding VL's and SL's

I just realized that God teaches you big life lessons through little things. Big lessons like patience and perseverance through things as ordinary as encoding vl's (vacation leaves) and sl's (sick leaves).

Maybe because those little things are the easiest to ignore and to set aside, that you need to squint a bit to see its importance. And once you've learned how to squint and carefully examine small life events, it has the capacity to shape you into a better person.

Amazing how God engineered life, integrating those lessons as an everyday stuff. Events that almost amount to nothing even things that we consider as ordinary. Designing it in a manner in which those who do not know Him will eventually miss the opportunity to learn. Those who ignores Him will have to repeat the events that they used to set aside. Those who knows Him will eventually see things in His own light and those who believes in Him will have the courage to follow the signs.

-

Nasa MRT ako habang sinusulat to' gamit yung handy dandy notebook ko. Kaya gusto ko laging nag dadala ng notebook kasi inspiration can strike anywhere kahit pa sa siksikang lugar tulad ng MRT. :)

Tuesday, April 3, 2012

Memo

Mga random memo na naka store sa cellphone ko:

  1. Ang pag-ibig, minsan parang kape yan, nag iinit lang sa una, katagalan, manlalamig din.
  2. Ano pa ang aking gagawin kundi ang magsulat ng akdang patungkol sayo? Na habang mas lalo kitang minamahal, mas lalo akong nakakaramdam ng takot na habang ako ay papataas ikaw naman ay unti-unti nang humahakbang paibaba.
  3. God is not BDO, but HE find ways. Not SM but HE got it all for you. Not Lipovitan but HE gets you going. Not Rexona, but HE won't let you down. Not Globe, but HE's making things possible. Not Metrobank, but in HIM you are in good hands. Lalong 'di SIYA Rebisco pero pangako kapag SIYA ang kasama mo, ang sarap ng feeling mo.
  4. Wag kang maging dahilan ng pagkakasala ng partner mo. Ang pagpapatawad ay natural na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan.

Sunday, April 1, 2012

license to love.

Ano nga ba ang tamang edad para masabing may karapatan ka nang umibig. Yung tipo ng pag-ibig na nararamdaman ng dalawang taong nagmamahalan, yung romantic love?

Madalas kong marinig sa mga matatanda yung linyang "bata ka pa", "masyado pang maaga", pati na yung "hindi pa yan seryoso". At kanikanina lang, narinig kong muli yung linya na yan sa kapatid kong 18 years old (Czar) at sa kababata namin na 21 years old (Abby). Sinasabihan nila yung isa pa naming kababata na 16 years old (Joey), noong sinabi ni Joey na may balak siyang ligawan yung natitipuhan niyang babae.

Bigla akong napaisip, paano mo masasabing masyado pang maaga para magmahal?
Tama bang sabihin na masyado pang maaga at bata ka pa kaya hindi pa seryosohan ang drama ng pag-iibigan ninyo?

Marahil ay may antas ng maturity ng pag-iisip na kinakailangan para masabing handa ka na para mag mahal. Marahil ay sa murang edad wala ka pa nito kaya sinasabi nilang bata ka pa at hindi pa yan seryoso. Pero tama nga bang pangunahan kung ano man ang iyong nararamdaman kung sa kasalukuyan ito ang pinaka masarap na pakiramdam na iyong nadarama - yung tipong buhay na buhay ka at totoong totoo ang iyong nararamdaman?

Siguro naranasan na rin nating magkaroon ng tinatawag nilang 'puppy love' - yung isang tao na gustung gusto mo, na palihim mo pang iniiyakan at palihim na nagpapakilig sayo - para sayo isang ngiti lang niya magliliwanag na ang buo mong linggo at makausap lang siya ay solve na solve na ang isang buong buwan mo.

Walang mali sa pagmamahal, ano mang edad nito, kailangan mo nga lang maghanda sa mga pagsubok. Maging kayo man o hindi hanggang sa dulo, ang importante ay hindi ka naging duwag na sundin ang iyong puso, at matuto sa lahat ng mga pinagdaanan mo.

Saturday, March 31, 2012

@ Parklane

Dated March 10, 2012

Isa sa hindi ko makakalimutang araw ay nung sinamahan ko si mama sa Cebu. Overnight lang kami dun pero naging isa yun sa mga araw na tumatak sa buhay ko. Unang beses ko din kasing samahan si mama sa isang work related activity niya sa office - half day retreat. Libre niya yung pamasahe kaya go na din ako, oras na rin siguro namin na magkasama - nuon ko lang napagtanto na sa pag lipas ng mga araw lumalapit na rin yung panahon na kailangan ko na ding bumukod o iwanan sila dahil tumatanda na ko... isa pa gusto ko din magkaron ng sarili kong pamilya balang araw, kaya sasamantalahin ko na habang bata pa ko.

Habang nag tatrabaho at natutulog si mama, nag ikut-ikot lang ako dun sa "The Terraces", yung Ayala mall dun.   Maganda yung lugar, park themed yung mall, at madaming pwedeng ikutan yun nga lang, hindi ko naman makuhanan ng litrato yung sarili ko kasama yung background kasi hindi sapat yung haba ng kamay ko para makuhanan yung scene sa likod. Mukha ko lang yung nakikita... Tahimik at panatag akong mag-isa pero naisip ko, mas magiging masaya siguro ako kung may kasama akong maglalakad at kakwentuhan, mahirap kasing kwentuhan mo ang sarili mo o kaya sa isip mo ikaw nakikipag debate.  Isa pa, at least may kasama kang nakangiti sa mga litrato.

Papatapos na yung retreat nung pumasok ako sa kwarto kung saan ginaganap yung silent reflection. Sumama na rin ako... May pinakitang video yung facilitator, yung love story ni Rick and Dick Hoyt (link below). Pero isa sa mga nagustuhan ko sa lahat ay yung pinakita niyang quote galing kay Fr. Pedro Arrupe, SJ:
“Nothing is more practical than finding God, that is, than falling in a love in a quite absolute, final way. What you are in love with, what seizes your imagination will affect everything. It will decide what will get you out of bed in the mornings, what you will do with your evenings, how you spend your weekends, what you read, who you know, what breaks your heart, and what amazes you with joy and gratitude. Fall in love, stay in love, and it will decide everything.”
Totoo... Kung sino at ano ang pinili mong mahalin ang siyang magpapakilos sayo. Try? Subukan mong makipagmeet sa taong mahal mo ng umagang umaga, at hindi ka mahihirapang gumising. 

Nagswimming din naman ako, at muli, naramdaman kong mas masayang lumangoy ng may kakulitan o kaya kausap. Mabilis lang din ako nagbabad sa malamig na pool, na kung iisipin, gusto kong nagbababad sa tubig. Siguro hindi ko rin mapapansing giniginaw ako kung may kasama ako nun.

Madami akong nakain nung dinner. Kasama ko sina mama tsaka yung mga officemates niya pero naalala ko maluha-luha ako nung mga panahon na yun, hindi ko na rin alam kung anong rason pero alam ko kung sino ang dahilan. Siguro kaya napadami yung kain ko nun, para pag nahalatang naluluha na ko, maidadahilan kong 'busog na po kasi ako'.

Bumalik na kami sa hotel at ayokong magstay sa room - walang wi-fi dun :)) kaya pumunta nalang akong poolside... Akalain mo, merong live band tsaka konti lang yung tao kaya bakante yung swing with dim lights pa. Sa totoo lang, gusto ko talagang kasama siya nun... hindi naman pwede, gusto ko siyang kausapin nun, mukang busy naman, gusto ko siyang ka-tx nun, hindi naman nag rereply, aba ang hirap naman parang one-sided yun, ako lang yung nasa kundisyon makipag-usap, nakakalungkot... Nakakalungkot yung araw na yun...

Marahil soul searching nga ang ginawa ko dun... pero hindi ko sigurado kung nahanap ko nga. Isa lang ang narealize ko, ayokong ipinaparamdam sakin na mag-isa ako.

Team Hoyt: http://www.youtube.com/watch?v=64A_AJjj8M4

Tuesday, March 27, 2012

Straight ahead


everything is a firsthand experience. you don't do things exactly the same way as how you did it before. and that is what makes life so special.

but everything you experience is not totally different from yesterday.

you wake up (same as yesterday, today, tomorrow), you sleep (same as yesterday, today, tomorrow) at least that is what's expected of you and inevitably what you will eventually do. (redundant ba??)

people are supposed to go forward and not the other way around. they are supposed to look ahead and not far behind. everybody knows nothing/no one runs backwards. the one who does is virtually trapped in its/his/her own sick world. yet. yesterday is needed as a reference used today for the future. everybody knows that. its the reason why we study history. to learn from the past and whatever blahs. to know why/how you came to be.

moving forward means improvement right? that's how it should be. but should be's sometimes result to would have's. that is why there is regret. sadly, regret is something that is constantly accumulated... oh so negatively stated.

minsan may mga bagay talaga na hindi mo na maibabalik. kaya nga kailangan mong gumising bukas diba? para subukan ayusin yung kaya mo pang ayusin, bitawan ang nagpupmiglas nang makawala, tapusin ang matagal nang naiwang walang tuldok,iwanan ang mga bagay na sayo ay nagpapabigat, syempre simulan ang mga bagay na dati mo nang ginagawa ngunit sa isang mas mataas na antas. hindi naman hinihiling na magmadali ka, mag jogging, tumakbo...kailangan mo lang gustuhin, ihanda, panindigan, ang mga bagay na nais mong umpisahan.

tandaan mo lang na nagsimula na ang ngayon nang nagpasya kang pumikit kahapon.

Ondoy 2009

Old post way back September 30, 2009 (from multiply account)


ahem mic check, mic check ahem


maraming bagay sa mundo ang pwedeng magkamali ka. 
tulad ng pagsabing kaya mo na. 
pero hindi pa.
sa pagsabing suko na
pero laban pa pala. 


Ang buhay minsan para lang yang pag sugod sa baha. 
sa ulan. 
sa putikan at dumi.
you have to take risks! pare. 
kelangan mong sumugal.
ano susugod ba ko?
OR
mag sstay ba ko sa safe na lugar?
ang goal: comfort and convenience, hindi ba?


handa ka bang sumugod sa maduming tubig.
mabasa sa ulang malakas.
madulas.
mahulog.
at tiisin ang hiya mo para makauwi?
laban lang! ma-delay ka man sa pag uwi,
at the end of the day, makakauwi ka din ü 


May times na nakakagalit, nakakainis, nakakaiyak, nakakapagod.
tama naman lahat yun.
pero si Lord, sa gitna ng galit, inis, pagod at pagsubok,
hindi niya tayo hahayaang mag isa at malugmok 
ayun oh!
may binibigay siyang saya at pag-asa ü
mga bagay at taong "guardian angel" ba
sinasabing 
"hui! you're so not alone, duh" 
pero syempre dapat tignan mo
tumingin ka at imulat mo ang mga mata mo
kasi pano mo naman makikita kung magbubulag bulagan ka diba?!


ang bottomline? eto ba?
--------------------------------------------------------------------
(wahaha! pagbigyan pleaase ü)


haha sempre life is hard, sa iba pa nga harder ehh... pero kelangan mong mabuhay, so go! haha seize the day. take risks. laban lang. san ba, sa acads? (yeah, kakayanin!) sa pag-ibig? (utang na loob!!! hahaha) sa pamilya? (ü) sa friends? (üü thank you) andyan si Lord ü 


KAYA MO YAN ü

Friday, March 23, 2012

para sa mga taong sumuko

Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila.

Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.

May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na.

Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa...

Para sa mga taong sumuko...sa pag-ibig na akala nilang mali - kahit na ito na ang pinaka tamang nanyari sa buhay nila

Thursday, March 22, 2012

To the one and only Kuya in my life.

(na deserve na deserve na magkaron ng self-centered and personalized blog entry)

Thank you for making me happy lately... I cannot think of any reason why I feel at peace with myself but only You.

Alam ninyo na madami akong iniisip, kailangan asikasuhin, kailangan ayusin at intindihin... pero pakiramdam ko kayang kaya ko yun lahat. Minsan nga lang napapasugod parin ako sa CR at nagkukulong sa cubicle pag nakakaramdam na ko ng pressure - yung takas mode ko, pero go on life padin at sa pag harap ko sa mga kailangang harapin, narerealize ko na hindi naman pala mahirap kasi may mga taong andyan para tumulong sayo. Salamat po sa kanila :)

Totoo na kapag malapit ka sa Almighty parang ang saya mo, at kahit na bad mood ka, masaya parin XD haha! Pero salamat talaga, sa lahat ng mga maliliit na bagay na nagpapaalala sakin na mahal ninyo ako. Tulad ng napulot kong 5 piso sa kalsada this week pagbaba ko ng tricycle, o kaya yung tipong konti lang yung tao sa MRT bigla pag malapit na kong ma-late (bonus na po yun!), at madami pang iba.

Sabi nila nagiging corny daw and isang tao pag nag mamahal, totoo naman. :) Naisip ko nga ehh, sus feel ko may mangilan ngilang sasabihin ang corny ko, haha. Wa-pakels, mind their own lives, parang sinabi mong corny na ipakitang mahal ko si bapbap. O kaya corny na mag date kami at mag holding hands ni mama or ni daddy diba?

Lord, masarap kayang magmahal, and thank you for loving me, help me to love others as a way show you how much i love you too :)


Sincerely,

Jamie

Nakanams Jam :)

Wednesday, March 14, 2012

Kung sakali

Kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataon
Na sayo'y ipaalam ang nadarama
Piliin kong ngayon na, pwede ba?
Hindi dahil sa baka wala na akong bukas
Kundi dahil, aanhin mo ang bukas, kung meron namang ngayon.

Tuesday, March 13, 2012

The Art of Ignoring

"Often times what we demand from others are things that are also demanded from us."

Sunday, March 4, 2012

Wednesday, February 15, 2012

re-living emotions (53 minutes after valentines day)

A post Valentines day entry.

What happened in the last 8 minutes before the end of February 14. (bull. no. 2)

I look like Rudolph, the one on the Christmas song, who, with Santa Claus, flew in the sky. And yes, he's the one with the red nose. As far as I can remember, the last time that I had this kind of 'cry' was when I broke my heart years ago.

A summary of what transpired today are as follows:

1. When you love, you push yourself to the limit.
    Kaninang umaga, sinabi sakin ni mama na bumili ng empanada dahil gusto ni dad... dapat nung lunch bibili ako, pero since nag lunch out kami nina Ms. Beth, hindi na ko nakabili ng empanada sa Red Ribbon. Before umuwi, nalaman kong wala palang binebentang empanada sa Red Ribbon Shangri-La kaya sa Megamall nalang ako bumili... last 20 mins before closing time. Hindi ko first time naramdaman, pero nung time na yun parang pinapaalala sakin na, basta mahal mo, kayang ipilit kung may ipipilit pa kasi para sayo, makita silang masaya, masaya ka na din :)

2. When you love, you understand.
    Masaya ako nung nalaman kong may oras kami ni Lorenzo na mag usap. Pagkatapos ng konting Tetris battle kung saan sa halos lahat ng laban ay talo ako, pareho kaming may kinailangan munang gawin pansamantala... umaasa akong pagkatapos ng 20 minuto, makakausap ko na siya ulit pero lumabas na pala siya kasama yung mga kaibigan niya... Hindi ko ipag kakaila na sobra akong nasaktan... Maliit na bagay? siguro... pero pag naisip mong konti lang yung oras ninyo at malayo pa kayo sa isa't isa... nakakalungkot. Nakakalungkot pero hindi nakakagalit...

3. When you love, you stick with them.
    Dahil Valentines, talamak ang mga date... romantic, friendly, familial, etc... so on and so forth. Nakatanggap din naman ako ng dalawang invitation para kumain sa labas ngayong araw na ito... Siguro kung ganun ako karupok, (brewrats term) sinabi ko nalang na sure, friendly date lang naman, tutal Vatentines... :) Maraming bagay akong pwedeng gawin, pag kaabalahan, mga taong samahan... Pero kadalasan, makita mo lang at maalala yung taong talagang mahalaga para sayo, higit mong isinaaalang alang kung ano yung mararamdaman niya sa bawat kilos na ginagawa mo (and yes, I learned my lesson).

Sometimes we forget, that's why we are given events to remember what we have learned. Sometimes we need first hand experience for us to be able to learn what we haven't yet. Sometimes things repeat itself so that we could finally learn what we refuse to. And sometimes we need to go through things even though it hurts so that what we learned from the heart can be learned by the ones dear to us.

Definitely not the most kilig valentines day, but still somewhat meaningful.

Love has its own reasons that even reason cannot understand :)

Sunday, February 12, 2012

Of LDR's and February 14

A pre-valentine post.

I can still remember back in college we were in the corridor a day before Valentines day, some of my single classmates would tell each other the reason for their cranky behavior was due to VDS or Valentine's Day Syndrome. I was laughing at them that time yet at the back of my mind, I couldn't agree more.

People look forward to February 14, yes? Well I guess I do too, secretly hoping that something special is going to take place, or I'll receive a something whatever. hehe. well, we will see :)

Maybe I'll be spending my Tuesday with family. To tell you honestly, I do think of them all the time wanting to spend more time with them, do things with them more often, etc., but sometimes, I get too hooked up with work and the things I want to do... Hmmm... I'll give them something special on Vday :)

Aside from family, there's this one person that I always think about. Every time I think of him, my eyes get teary and I don't know why... but one thing is for sure, I do not want to lose him. Too bad we cannot have a date on Valentines since he's islands away from here... I'm looking forward to seeing him even for a bit :D.

Distance is only as far as our hearts can be :)

Have a nice day everyone!